Singil sa kuryente ngayong Agosto, bababa ng 11 centavos per kwh

by Radyo La Verdad | August 8, 2016 (Monday) | 1982

JOAN_KURYENTE
Inanunsyo ng Manila Electric Company o MERALCO na bababa ng 11 centavos kada kilowatt hour ang singil sa kuryente ngayong Agosto.

Nanganghulugan ito na mababawasan ng twenty-two pesos ang electric bill ng kumokonsumo ng 200 kilowatt hour.

Thirty-three pesos sa three hundred kilowatt hour, 44 pesos sa 400 kilo watt hour at 55 pesos naman kapag 500 kilowatt hour ang konsumo.

Ayon sa MERALCO ang pagbaba ng presyo ng kuryente ay bunsod ng bawas singil sa generation charge.

At iba pang charges na ipinapataw ng Wholesale Electricity Spot Market o WESM.

Subalit ayon sa electric company, malaki ang posibilidad na tumaas ang singil ng kuryente sa Setyembre.

Ito ay dahil sa halos magkakasunod na yellow at red alert level sa power supply mula sa huling bahagi ng Hulyo hanggang katapusan ngayong buwan.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ng MERALCO kung magkano ang posibleng madagdag sa presyo ng kuryente sa susunod na buwan.

As of 10am kanina, nasa 187 na mga miyembro na ng interruptible load program ang nagcommit na magbabawas ng 357 megawatts ng kuryente sakaling matuloy ang red alert level sa suplay ng kuryente.

Samantala sa ngayon ay umaabot na sa mahigit tatlong libong residente mula sa maliit at mahihirap na komunidad, ang napakabitan na ng kuryente, matapos na maglabas ng order ang DOE, hinggil sa pagbibigay prayoridad sa mga mahihirap nating kababayan na magkaroon ng access sa kuryente.

Target ng MERALCO na makabitan ng kuryente ang nasa sampung libong mga residente bago matapos ang taong 2016.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: ,