Singil sa kuryente ngayong Abril tataas ng 22 centavos

by Radyo La Verdad | April 6, 2016 (Wednesday) | 1767

MERALCO
Magtataas ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company o MERALCO ngayong Abril na nagkakahalaga ng 22 centavos kada kilowatt hour.

Kasama na rito ang eight centavos per kilowatt hour para sa Feed In Tariff Allowance o FIT-All.

Ang FIT-All ay ang halagang ipinapataw sa mga consumer ng electric power at silbing bayad sa mga may ari ng renewable energy bilang insentibo sa pagtatayo ng mga ito ng planta.

Mas magastos ang pagpapagawa sa mga planta ng renewable energy kung kaya’t kailangan nila ng insentibo upang maseguro na mababawi ng mga producer ang kanilang puhunan sa maikling panahon lamang.

Ibig sabihin, kung ang isang konsyumer ay kumokonsumo ng 200 kilowatt per hour, aabot sa 44 pesos ang madadagdag sa bill ng kuryente ngayong buwan.

Sixty-six pesos para sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt per hour, eighty-eight pesos kung 400 kilowatt per hour at one hundred ten pesos para sa five hundred kilowatt per hour.

Ayon sa MERALCO, ang dahilan ng dagdag singil ay mataas na demand ng kuryente dala ng mainit na panahon.

Sa pagtaya ng MERALCO, malaki ang posibilidad na muling magtaas ng singil sa kuryente hanggang sa mayo.

Siniguro naman ng ahensya na sapat ang suplay ng kuryente ngayong panahon ng El Niño.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,