May naka-ambang dagdag-singil ang Meralco ngayong buwan.
Ayon sa tagapagsalita nitong si Joe Zaldarriaga, tumaas ang generation charge dahil gumagamit ng mas mahal na panggatong ang tatlong planta na nagsusuplay ng kuryente sa Luzon habang naka-shutdown ang Malampaya.
Pero ayon sa Meralco, mababa lang naman ang naka-ambang rate hike pero ngayong araw pa nila puwedeng ianunsyo ang eksaktong halaga nito.
Nitong nakaraan Marso, una nang tinantiya ng Meralco na aabot sa 46-centavos kada kilowatt hour ang dagdag-singil ngayong Abril habang 72-centavos naman ang power rate hike para sa buwan ng Mayo.
Tags: Joe Zaldarriaga, Meralco, power rate hike