Singil sa kuryente ng Meralco tataas ngayong Disyembre

by Radyo La Verdad | December 9, 2015 (Wednesday) | 1731

MERALCO
Matapos ang ilang buwan na sunod sunod na pagbaba, tataas ang singil sa kuryente ngayong Disyembre.

Ayon sa Manila Electric Company halos anim na sentimo o 5.5 centavos ang madadagdag sa singil sa kuryente sa mga customer ng Meralco.

Ang isang bahay na komokonsumo ng 200 kilowatt kada buwan ay magkakaroon ng dagdag na 11 pesos, halos 17 pesos sa 300 kilowatt kada buwan, habang ang komokonsumo naman ng 500 kilowatt kada buwan ay mayroong dagdag na P27.50 sa kanilang electric bill.

Ayon sa Meralco nakaapekto sa presyuhan ng kuryente ang mataas na generation charge at iba pa, gaya ng mataas na singil ng mga power plants at gayundin naman ang presyo ng nabibiling kuryente sa wholesale electricity spot market.

Nakaapekto rin ang mga naka schedule na maintenance ng mga planta.

Tags: , ,