Singil sa kuryente ng MERALCO, tataas ngayong buwan

by Radyo La Verdad | April 10, 2017 (Monday) | 4326


Tataas ng 23-centavos per kilowatt hour ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company ngayong Abril.

Mula sa pangkalahatang rate na 9 pesos and 67 centavos per kilowatt hour noong Marso, ngayong buwan ay aakyat ito sa 9 pesos and 89 centavos.

Ayon sa MERALCO, bunsod ito ng pagtaas ng generation charge.

Dahil dito, muling nagpaalala sa publiko ang meralco na hangga’t maaari ay magtipid sa paggamit ng kuryente.

Samantala, noong Sabado ay ilang planta rin ang napinsala ng lindol sa Batangas na nakaapekto sa suplay ng kuryente sa Luzon grid.

Subalit pagtitiyak ng National Grid Corporation of the Philippines, naremedyuhan na ito ngayon.

Nakahanda ring magdeklara ng red alert ang Department of Energy sakaling magka-problema sa reserba ng kuryente sa Luzon grid.

(Leslie Longboen)

Tags: ,