Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong Abril

by Radyo La Verdad | April 9, 2019 (Tuesday) | 6158

Metro Manila, Philippines – Tataas ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan. Ang dagdag singil ay dulot ng pagmahal ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), paghina ng piso kontra dolyar at pagtaas ng generation charge.

Sa mga customer ng meralco na komokonsumo ng 200 Kilowatts kada buwan, magkakaroon ng mahigit 12 pesos na dagdag sa bill habang ang mga komokonsumo ng 500 Kilowatts kada buwan ay mayroong mahigit 31 pesos na dagdag bayarin.

Ayon sa Meralco, posible na magakakaroon ulit ng pagtaas sa singil sa kuryente sa susunod na buwan dahil sa epekto ng madalas na pagkakaroon ng yellow alert.

Kahapon ay muling isinailalim sa yellow alert ang buong luzon.Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nasa 10,438 megawatts ang peak demand sa luzon habang nasa 829 megawatts lamang ang reserba.

“So the whole week last week we have five days of yellow alert and then today we have another yellow alert so that will affect spot market prices once more which may affect generation charge” tinig ni  Meralco Utilities and Economics Head Larry Fernandez

Ayon sa meralco, bagama’t maituturing na maliit ang dagdag singil dapat pa ring magtipid ang lahat sa paggamit ng kuryente.

(Mon Jocson | Untv News)

Tags: ,