Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ng P1.08 per kwh ngayon buwan

by Radyo La Verdad | February 8, 2018 (Thursday) | 12225

One point zero eigth pesos per kilowatt hour ang itataas sa singil ng kuryente ng Manila Electric Company ngayong buwan. Dahil dito, 216 pesos ang madadagdag sa bill ng mga kumukonsumo ng 200 kilowatt kada buwan.

323 pesos naman sa mga kumukonsumo ng 300 kilowatt, 431 pesos sa mga kumukonsumo ng 400 kilowatt at 539 pesos sa mga umaabot ang kunsumo ng 500 kilowatt kada buwan. Paliwanag ng Meralco, ang dagdag singil ay dulot ng pagtaas din ng halaga ng kuryente mula sa mga supplier.

Nakadagdag din ang paghina ng piso at VAT sa transmission charge dulot ng TRAIN Law. Batid ng Meralco na mabigat sa bulsa ng mga consumer ang ipapataw na power rate hike kaya hindi ito buong ipatutupad ngayong buwan.

Pinayuhan din sila ng energy regulatory na isaalang-alang ang kapakanan ng mga consumer kaya hindi bultuhan ang pagpapatupad sa dagdag-singil ngayong Pebrero.

Sa linggong ito, ilalabas ng power distribution company kung magkano lang ang madadagdag sa bill ng kanilang mga consumer ngayong buwan.

Pagtitipid naman sa konsumo ng kuryente ang patuloy na payo ng Meralco sa kanilang mga consumers upang hindi masyadong mabigatan sa bayarin lalo na’t maaari pang tumaas ang singil ng kuryente pagdating naman ng panahon ng tag-init.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,