Singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Setyembre, tataas

by Radyo La Verdad | September 9, 2022 (Friday) | 7039

METRO MANILA – Muling magpapatupad ng rate increase ang Manila Electric Company (Meralco) dahil sa tumataas na halaga ng produktong petrolyo at bumabagsak na piso.

Ayon sa Meralco, ito rin ang nagtulak para umakyat ang generation cost.

Batay sa abiso ng Meralco, nasa P39.07 ang rate increase sa kada kilowatt hour.

Nangangahulugan ito ng P78 na dagdag bayarin sa mga kumukomsumo ng 200 kilowatts kada buwan.

P117 naman sa mga nasa 300 kilowatts ang monthly consumption.

Habang P156 sa 400 kilowatts at P195 sa mga inaabot ng 500 kilowatts.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: