MANILA, Philippines – Muling bababa ng 42 centavos per kilowatt hour ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (MERALCO) ngayong buwan.
Ibig sabihin kung ang isang customer ay kumokonsumo ng 200 kilowatt hour sa isang buwan, 83 pesos ang mababawas sa kanilang electric bill.
125 pesos naman sa gumagamit ng 300 kilowatt hour, habang 167 pesos sa bawat 400 kilowatt hour at 209 pesos sa kada 500 kilowatt hour na konsumo sa isang buwan.
Ang bawas singil ay bunsod ng pagbaba ng generation charge o ang presyo ng kuryente na nagmumula sa mga planta.
“Ang dahilan ay yung pagbaba sa supply na nangagaling sa o binibili natin mula sa whole sale electricity spot market o wesm,primarily because of improved supply conditions” ani Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga.
Iyon na ang ika- 4 na buwan ng sunod sunod na bawas singil sa kuryente ng Meralco na nagsimula noong Mayo.
Kung susumahin aabot na sa halos piso kada kilowatt hour ang ibinaba ng presyo ng kuryente sa nakalipas na 4 na buwan.
Ayon pa sa Meralco possibleng magtuloy-tuloy pa sa mga susunod na buwan ang pagbaba ng singil sa kuryente, kung mananatili ang sapat na suplay mula sa mga planta.
“Sakali mang magkaroon ng adjustment hindi na masyadong magiging abrupt,if the trend in the spot market continues and the supply continues to be more than adequate then asahan natin prices could be flatish” aniMeralco Spokesperson Joe Zaldarriaga
(Joan Nano | Untv News)
Tags: electricity, Meralco