Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong Hunyo

by Erika Endraca | June 9, 2020 (Tuesday) | 12306

METRO MANILA – Bababa ng 2 sentimo ang singil sa kuryente ng Meralco ngayon buwang ng Hunyo.

Ito ay katumbas ng P4 bawas sa bill ng mga customer na komokonsumo ng 200 kilowatt kada buwan, P6 sa 300 kilowatt, P8  sa 400 kilowatt at P11 sa mga komokonsumo ng 500 kilowatt kada buwan.

Ang mababang singil ay bunsod ng pagbaba ng generation charge ng Meralco

“Kung hindi namin ini-envoke itong force majeure claims. Generation charge and the total rate would have increased by 18 centavos and 24 centavos respectively.”ani Spokesperson, Meralco Joe Zaldarriaga.

Samantala, dalawang bill ang matatanggap ng mga customer ng Meralco ngayon buwan ng Hunyo.

Isang “installment payment plan” bill na naglalaman ng mga hindi nabayarang bill mula Marso hanggang Mayo at ang regular na bill para ngayong buwan ng Hunyo.

“In accordance to the directive of the ERC ang nirerequire na payment ni customer is just 1/4 of the June bill…they are just required to pay 1/4 not earlier than June 30 and then the 3/4 balance would be divided into either 4 or 6 depending on the kilowatt hour consumption nito pong February 2020” ani Commercial Operations Head, Agnes Macob.

Lahat ng komokonsumo ng 200 kilowatts pababa buwan buwan ay qualified sa 6 na buwang installment plan habang ang komokonsumo naman ng 201 kilowatts pataas ay bibigyan lamang ng apat na buwan upang bayaran ang kanilang mga utang.

Sa June 15 at kada kinsenas ng buwan dapat mahulugan ng installment ang mga bill na hindi nabayaran ng mga customer.

Sinabi ng Meralco na uunawain nila ang mga hindi agad makakabayad at sisiguraduhin na magkakaroon pa rin ang mga ito ng supply ng kuryente.

(Mon Jocson | UNTV News)

Tags: ,