Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong buwan

by Radyo La Verdad | October 8, 2018 (Monday) | 9359

Bababa ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Oktubre. Siyam na sentimo kada kilowatt hour ang ibaba ng singil sa electric bill ng mga consumer.

Para sa mga customer ng Meralco, makakatipid ng 19 piso ang isang sambahayan na komokonsumo ng 200 kilowatt kada buwan habang halos 50 piso naman ang matitipid ng isang sambahayang komukonsumo ng 500 kilowatt kada buwan.

Ayon sa Meralco, kahit tumataas ang presyo ng langis at bumababa ang halaga ng piso, na offset ito ng magandang performance ng mga planta.

Wala rin masyadong naitalang maintenance shutdown sa nagdaang buwan.

60% rin ng kuryenteng binibili ng Meralco ay mula sa malampaya natural gas at maliit na porsyento lamang ang nanggagaling sa diesel powered plants.

Samantala, may dagdag-singil naman sa presyo ng diesel at gasoline ang ilang kumpanya ng langis bukas.

Piso kada litro ang dagdag-singil sa gasolina habang 1.45 kada litro sa diesel ang ipapatupad ng Shell, Petro Gazz, SEAOIL at PTT Philippines.

Ito na ang ika-siyam na linggong patuloy na tumataas ang presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Tags: , ,