Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong buwan

by Radyo La Verdad | May 9, 2018 (Wednesday) | 6297

Fifty four centavos per kilowatt hour ang mababawas sa bill ng lahat ng customer ng Meralco ngayong buwan.

Ayon sa Meralco, malaki ang naging tulong ng muling pagbubukas ng coal fired power plant sa Quezon upang tumaas ang supply ng kuryente.

Nakapag-ambag ng 400 megawatts na kuryente ang Quezon power plant sa supply ng buong Luzon.

Sa komokonsumo ng 200 kilowatt kada buwan, 109 piso ang mababawas sa kanilang bill habang ang komokonsumo ng 500 kilowatt kada buwan ay makakatipid ng halos tatlong daang piso.

Kapag tumataas ang supply ng kuryente, bumababa naman ang presyo nito sa wholesale electricity spot market. Hindi rin masyadong naka-apekto ang foreign exchange rate sa singil sa kuryente.

Sinabi naman ng Meralco na hindi masyadong nakaka-apekto sa presyo ng kuryente ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,