Singil sa kuryente ng Meralco bababa ngayong buwan

by Radyo La Verdad | June 8, 2015 (Monday) | 1298

MERALCO 1
P0.58 per kilowatt hour ang ibaba ng singil ng Meralco sa mga customer nito ngayong buwan.

Ibig sabihin ang isang sambahayan na komokonsumo ng 200kw kada buwan ay makatitipid ng P116 habang ang komokonsumo naman ng 500kw kada buwan ay makatitipid ng halos tatlong daang piso.

Ang mababang singil ay bunsod ng pagbaba ng halaga sa ibinebentang kuryente ng mga Independent Power Producer o I-P-P at sa mababang rate mula sa mga Power Supply Agreements o P-S-A

Nakatulong rin ang Malampaya upang mapababa ang singil sa kuryente ngayon buwan.

Sa halip na mas mahal na panggatong o liquid fuel ang ginamit ng mga planta ay gumagamit na ito ng natural gas mula sa Malampaya.

Malaking porysento ng binibiling kuryente ng Meralco ay nanggagaling sa WESM subalit sa pagkakataong ito ay hindi muna bumili ng marami ang Meralco dahil sa mataas na bentahan ngayong buwan.

Samantala, inaprubahan na ng Energy Regulatory Commission ang mahigit tatlong bilyong piso na babawiin ng Meralco sa mga customer nito.

Sisingilin ito ng Meralco sa pamamagitan ng pagdadagdag ng apat na sentimo kada kilowatt hour sa bayarin ng lahat ng mga customer simula ngayong buwan.

Tags: ,