Singil sa kuryente, muling bababa ngayong buwan

by Radyo La Verdad | August 6, 2015 (Thursday) | 1215

MERALCO
Inanunsyo ng Manila Electric Company o Meralco na bababa ng twenty six centavos kada kilowatt hour ang singil sa kuryente ngayong Agosto.

Ayon sa Meralco ang bawas singil sa kuryente ay bunga ng pagbaba ng generation charge at iba pang sinisingil ng Wholesale Electricity Spot Market o WESM.

Nakatulong rin sa pagbaba ng singil sa kuryente ang pagbabago ng klima nitong nakaraang buwan.

Kaya’t kung ang isang household ay kumokonsumo ng 200 kilowatt per hour, aabot sa 52 pesos and 56 centavos ang maibabawas sa kanilang bill ngayong buwan.

78 pesos and 83 centavos naman kung kumokonsumo ng 300 kilowatt per hour, 105 pesos and eleven centavos kung 400 kilowatt per hour at 131 pesos and 39 centavos kung kumokonsumo ng five hundred kilowatt per hour.

Ito na ang ika-apat na buwan na sunod-sunod ang naging pagbaba ng singil sa kuryente ngayong buwan.

Dagdag pa ng Meralco ang ipatutupad na bawas singil ngayon buwan ay pangalawa sa pinamakamababang halaga na ibinawas simula pa noong October 2010. (Joan Nano / UNTV News)

Tags: