Singil sa kuryente MERALCO, bahagyang tataas ngayong Oktubre

by Radyo La Verdad | October 8, 2019 (Tuesday) | 4337

Matapos ang ilang buwang pagbaba sa presyo ng kuryente, magpapatupad naman ng dagdag-singil ang MERALCO ngayon Oktubre.

Sa abiso ng power distributor, tataas ng higit-four centavos per kilowatt hour ang bill sa kuryente depende sa konsumo.

Ibig sabihin madadagdagan ng halos siyam na piso ang babayarang bill ng isang customer na nasa 200 kilowatt hour ang konsumo ngayong buwan.

Higit 13 pesos sa 300 kilowatt hour, halos 18 pesos sa kada 400 kilowatt hours at higit 22 pesos sa gumagamit ng 500 kilowatt hour.

Ang dadgag singil sa kuryente ay bunsod ng pagtaas ng presyo sa transmission charge.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: