Singil sa kuryente maaaring tumaas pa dahil sa dagdag na feed in tariff

by Radyo La Verdad | May 27, 2016 (Friday) | 1052

ERC
Pinangangambahan na mas tumaas pa ang singil sa kuryente dahil sa dagdag na feed in tariff.

Ang feed in tariff o fit ay kasama na sinisingil sa bill ng mga consumer kapalit ng mga itinatayong renewable energy gaya ng mga solar power plant

Sa ngayon ay nasa 12 centavos ang fit-all charge na sinisingil sa mga consumer ngunit tataas pa ito kapag lumampas na sa 500 megawatts na limit ang mga renewabale energy sa bansa.

Sa kasalukyan, nasa 490 megawatts na ang kapasidad ng mga renewable energy at patuloy pa rin ang mga developer sa pagpapalaki ng kapasidad ng renewable energy.

Ayon sa Energy Regulatory Commission, kada 100 megawatts na madadagdag sa renewable energy ay katumbas ng 1 centavo na dagdag sa bill ng mga consumer.

Nakahanda naman ang ERC na sumunod sa anumang ipaguutos ng susunod na administrasyon.

Nagpahayag si President Elect Rodrigo Duterte na nakahanda itong alisin ang mga coal fired power plant dahil nakasasama ito sa kalikasan.

Pabor si Duterte na magtayo pa ng mas maraming renewable energy.

Ngunit ayon sa ERC nangangahulugan ito ng mas mataas na singil sa kuryente.

Ayon sa Energy Regulatory Commission, naka depende lamang ang pagtatakda nila sa presyo ng kuryente sa mga polisiya na ipinapatupad ng pamahalaan at inaaprubahan nila ito matapos mapagaralan na magiging patas ito para sa lahat.

(Mon Jocson/UNTV NEWS)

Tags: ,