Tinalo na ng Singapore ang bansang Germany sa tala ng may pinakamakapangyarihang passport sa buong mundo, batay sa passport index ng global financial advisory firm na Artin Capital.
Dahil inalis na ng Paraguay ang visa-requiremnts nito sa Singapore, naitala ang kabuuang 159 na bansa kung saan maluwag na makakapasok ang holder ng Singaporean passport.
Noong nakaraang taon, magkapereho sa unang pwesto ang Singapore at Germany.
Ang Singapore ang nag-iisang Asian passport na nakasama sa unang sampung bansa sa index.
Kabilang naman sa top twenty ng visa-free score ang Malaysia, South Korea at Japan.