Personal na bumisita ang ating COMELEC Commissioner Arthur D. Lim dito sa Singapore upang pasalamatan ang mga kababayan nating Pilipino na nakibahagi sa overseas voters registration.
Sa huling araw ng overseas voters’ registration dito sa Singapore ay nadoble pa ang bilang ng mga kababayan nating OFW na nagtiyagang pumila upang makahabol sa pagpaparehistro.
Personal na bumisita rito si COMELEC Commissioner Arthur D. Lim kasama ang iba pang opisyal ng COMELEC upang pormal na isara ang overseas voters registration at magpasalamat sa ating mga kababayan na tumugon sa panawagang magparehistro na para sa darating na eleksyon.
Sa inaasahang 70,001 overseas registrants dito sa Singapore, umabot sa 33,442 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro at nagpavalidate ng kanilang biometrics data.
Samantala, magpapadala ang COMELEC ng 9 hanggang 10 voters counting machine dito sa Singapore upang mapabilis ang botohan dito.
Nakatakda ang overseas absentee voting mula April 9, 2016 at magtatapos naman sa May 9, 2016. Nanawagan ang mga opisyal ng COMELEC sa ating mga kababayan dito makiisa sa eleksyon at kung maari ay agahan ang pagboto.(Maila Guevarra/UNTV News Correspondent)