Singapore, ikalawa sa pinakaligtas na bansa sa 2017 Index

by Radyo La Verdad | January 17, 2018 (Wednesday) | 4814

Kilala ang Singapore sa tawag na Fine City dahil sabi nga bawat kibot, may fine.  Kung paano nila nagagawa yan ay dahil sa dami ng kanilang CCTV cameras sa buong state.

Dahil sa mga camera, naitala bilang pangalawa sa safest cities sa mundo ang Singapore ayon sa The Safe Cities Index 2017 ng The Economist Intelligence Unit, isang kilalang online publication.

Pumapangalawa ang Singapore na may score na 89.64 sa Tokyo, Japan na nakakuha ng 89.80. Ang ulat ay base sa record ng crime rate sa mga bansa.

Sa Singapore noong 2016, 135 na araw ay walang record ng snatching, theft, robbery o kahit shoplifting sa buong bansa. Kung mag-iikot sa mga stores or malls, simple lang ang door locks, kung minsan, wala pang locks, may mga stores na iniiwan lang ang displays sa labas pero walang nangyayaring nakawan.

Noong nakaraang taon ay mas pinatindi pa ang Singapore police ang program na PolCam 2.0 or nagdagdag sila ng mas marami pang cctv.

2012 nang pasimulan ang nasabing proyekto, kung saan ay nakapag-install sila ng 62,000 cameras.

Noong nakaraang taon ay nag-install sila ng 11,000 mahigit. Halos lahat ng sulok may CCTV.

Bukod sa mataas na fine, umiiral din sa Singapore ang death penalty upang makabawas sa krimen.

 

( Annie Mancilla / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,