Malaki ang ibinaba ng bilang ng mga naninigarilyo sa bansa habang tumaas naman ang buwis na nakukuha rito ng pamahalaan mula nang ipatupad ang Sin Tax Law.
Ito ang ipinahayag ni Bureau of Internal Revenue commissioner Kim Henares matapos tumaas ang nakukuhang buwis mula sa sigarilyo ng hanggang mahigit P74 billion noong nakaraang taon mula sa naitalang P32.16 billion noong 2012.
Ayon kay Henares, kumonti ang bilang ng mga pakete ng sigarilyo na inilalako sa mga tindahan mula 2012 hanggang 2014.
Ipinasa ng Kongreso ang Sin Tax Law noong 2012 para itaas ang buwis sa sigarilyo at para mapahinto na rin sa paninigarilyo ang ilan sa ating mga kababayan.
Batay sa datos ng World Health Organization, nasa 88,000 Pinoy ang namamatay taon-taon dahil sa paninigarilyo.
Tags: BIR, Kim Henares, Sin Tax Law