Simulation ng nakawan, isinagawa sa Mandaue City, Cebu

by Radyo La Verdad | June 2, 2016 (Thursday) | 1288

GLADYS_SIMULATION
Bandang alas diyes kaninang umaga nang isinagawa ang isang simulation exercise ng isang robbery incident sa isang pawnshop sa Mandaue City, Cebu.

Umabot sa limang minuto bago makaresponde ang mga pulis sa lugar.

Habang hinohostage ng suspek ang isang teller ay nag-umpisang makipagnegosasyon ang mga otoridad sa mga ito.

Sa pagsasagawa ng negosasyon dahan-dahan namang lumapit sa pawnshop ang back up ng mga pulis at binaril ang mga suspek.

Nagpanik at nagsitakbukhan ang mga tao sa labas ng pawnshop nang makita ang insidente sa pag-aakalang totoo ang nakawan.

Sa naging assessment ng Police Regional Office-7 nangangailangan pa ng improvement at ensayo ang mga pulis sa pagresponde ng ganitong alarma.

Kinakailangan namang pag-ibayuhin ang communication system upang mas mapadali ang kanilang pagresponde.

Dapat ring maging alerto ang traffic enforcers sa mga ganitong insidente upang maiwasang maabala ang mga pasahero.

Bagaman mayroong mga kinakailangan pang improvement sa mga kawani ng PNP, binigyan ito ng satisfactory rate.

Payo naman ng PRO-7 sa mga pawnshop o mayroong negosyo na pag-aralan ang security aspect upang maihanda kung sakaling magkaroon man ng nakawan.

(Gladys Toabi / UNTV Correspodent)