Ipinahayag ni National Policy Against Covid-19 Chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr. sa live Senate inquiry kahapon (Jan. 11) na target ng gobyernong simulan ang pagbabakuna sa mga mamamayan sa ikatlo o ika-apat na linggo ng Pebrero 2021.
Ayon sa kalihim, inaasahan ng pamahalaan na maisagawa ang initial batch ng vaccination sa ika-20 Pebrero matapos kumpirmahin sa senate hearing na umorder na ang gobyerno ng 40 million vaccines sa Novavax Inc., 30 million sa AstraZeneca, 25 million sa Sinovac, at 40 million sa Covax.
Maaari namang umabot sa 144 million doses ng Covid-19 vaccine ang total supply ng bansa kung matatapos ang negosasyon nito sa mga pharmaceutical companies sa loob ng susunod na 2 Linggo.
(April Jan O. Bustarga | La Verdad Correspondent)
Tags: Covid-19 Vaccines