Simpleng tips sa pangangalaga ng kalikasan ang nais iparating ng PENRO Cavite ngayong taon

by Erika Endraca | January 7, 2021 (Thursday) | 24469

Pagpapahalaga sa kalikasan ang ibig iparating ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng Cavite ngayong January na kilala bilang National Zero Waste Month.

Bilang pagtugon sa adhikaing ito ng gobyerno, naglagay ng mga simpleng tips sa pangangalaga ng kalikasan ang PENRO Cavite sa kanilang official facebook page kabilang na dito ang pagdadala ng sarilig ecobags sa pamimili sa palengke at malls at pagbawas sa konsumo ng papel sa mga opisina at pag-unplug ng mga di ginagamit na electronics.

Ayon sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000, hinihikayat ng gobyerno na maipromote ang malikhaing paggamit ng mga waste products upang maging pakikinabang muli ang mga ito kabilang na ang mga hakbang na makakatulong sa pag-iwas at pagbawas sa “volume and toxicity ng mga waste and materials”.

Marapat tandaang bawat mamamayan ay may kaukulang parte sa pagpapanatili sa kalinisan at pagpapalago ng ating kalikasan dahil maraming benepisyo ang nakukuha ng ating kalusugan.

(April Jan Bustarga | La Verdad Correspondent)

Tags: ,