Simpleng kasuotan ng mga bisita inaasahang makikita sa kauna- unahang SONA ng Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | July 25, 2016 (Monday) | 1354

rep.-Pantaleon-“bebot”-alvarez
Isa sa mga inaabangang pagbabago sa panunungkulan ng Pangulong Duterte ang magiging kasuotan ng mga kilalang personalidad nadadalo sa kauna-unahang SONA sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Tila naging kaugalian nang pag-usapan ng sambayanang Pilipino ang pinipiling damit ng mga kongresista sa mga nagdaang SONA ng mga naging Pangulo ng bansa na kadalasang dinisenyo pa ng mga kilalang fashion designer.

Nguni’t mamayang hapon, tiniyak ni incoming House Speaker Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez na hindi magiging agaw-atensyon ang mga kasuotan ng mga dadalo bagaman may red carpet pa rin para sa mga panauhin

Sa panawagan naman ni Alvarez na magsuot ng simple, may mga ilang kongresista ng tumugon dito.

Si Cibac Party-List Rep Sherwin Tugna magsusuot umano ng simpleng barong na gawa sa Bulacan.

Habang ang kanyang misis na si Bulacan Mayor Joni Tugna ay nagsusuot ng barong-pambabae na gawa ni Jo Rubio naman sa Kamuning.

Gawa ng isang Davaoeño designer Toto Bahala at Eugene Horca ang simpleng barong na susuotin ni Bayan Muna Party List Rep Carlos Zarate.

Ang disenyo nito ay sumisimbulo umano sa panawagan ng kapayapaan.

Si Navotas Rep Toby Tianco naman isusuot ang kanyang 17 year old pinya barong na gawa ng designer na si Paul Cabral.

Ito rin umano ang barong na kanyang ginamit noong nakaraang SONA.

Hindi na rina bumili pa ng bagong barong si Marikina Rep Miro Quimbo, dahil ang kanyang isusuot daw ay ang barong na kanyang ginamit noong nakaraang SONA.

Ang bagong kongresistang si 1st Dist Bulacan Rep Jonathan Sy-Alvarado naman lumang barong na puti ang isusuot sa SONA.

Ilang beses na rin daw niya itong sinuot sa ilang mga okasyong kaniyang sinaluhan.

Si Muntinlipa Rep. Ruffy Biazon naman isusuot ang barong na hindi umano gawa ng kilalang designer.

Maging si Batangas Rep. Vilma Santos, magsusuot lang umano ng simpleng blouse at skirt.

Blue business suit naman ang nakatakdang isuot ni Bataan Rep Geraldine Roman.

Samantala, national costume naman ang isusuot ni Ifugao Rep Teddy Baguilat, ito rin ang kanyang isinuot noong siya ay manumpa, nang muling manalo bilang kongresista.

Dagdag pa ni Alvarez sariling desisyon na ng mga kongresista kung susundin nga nila ang pagsusuot ng simple.

(Aiko Miguel

Tags: ,