Signal #1, nakataas sa ilang lugar sa northern Luzon dahil sa Bagyong Henry

by Radyo La Verdad | July 16, 2018 (Monday) | 2679

Nagbabanta ang Bagyong Henry sa northern Luzon.

Namataan ng PAGASA ang bagyo kaninang ika-7 ng umaga sa layong 440km sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55kph at pagbugso na aabot sa 65kph. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 35kph.

Nakataas ngayon ang signal number 1 sa Batanes, northern portions ng Cagayan kasama na ang Babuyan Group of Islands, Apayao at Ilocos Norte.

Makararanas sa mga nasabing lugar ng pag-ulan at pagbugso ng hangin. Inaasahang dadaan sa Babuyan Group of Islands si Henry ngayong gabi.

Samantala, apektado rin ng amihan ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Ayon sa PAGASA, makakaranas ng hanggang sa malalakas na pag-ulan ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Mindoro, Batangas, Palawan at Western Visayas. May kalat-kalat din na pagulan sa nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Posibleng magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa ang mga mararanasang pag-ulan.

 

Tags: , ,