Signal #1, itinaas ng PAGASA sa ilang lugar sa bansa dahil sa bagyong Ramil

by Radyo La Verdad | November 1, 2017 (Wednesday) | 5258

Apektado ng bagyong Ramil ang malaking bahagi ng bansa. Namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 85 km sa kanluran ng Roxas City, Capiz.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at pagbugso na aabot sa 70 kph. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 kph.

Nakataas ngayon ang signal number 1 sa Aklan, Antique at Northern Palawan kasama na ang Calamian Group of Island. Makararanas ng mga pag-ulan at pagbugso na hangin sa mga nasabing lugar.

Dahil parin sa bagyong Ramil ay makararanas din ng  malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Bicol Region, Calabarzon at mga probisya ng Marinduque, Mindoro, Romblon at nalalabing bahagi ng Palawan. May mga pag-ulan din sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao,Caraga at Central Luzon.

Makararanas din ng thunderstorms sa nalalabing bahagi ng Mindanao habang ang nalalabing bahagi naman ng Luzon ay epektado ng Amihan.

Mapanganib naman na pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Northern Luzon at Eastern Seaboards ng Central at Southern Luzon dahil sa taas ng mga pag-alon na aabot sa 4.5 meters.

 

Tags: , ,