Apektado ng bagyong Ramil ang malaking bahagi ng bansa. Namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 85 km sa kanluran ng Roxas City, Capiz.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at pagbugso na aabot sa 70 kph. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 kph.
Nakataas ngayon ang signal number 1 sa Aklan, Antique at Northern Palawan kasama na ang Calamian Group of Island. Makararanas ng mga pag-ulan at pagbugso na hangin sa mga nasabing lugar.
Dahil parin sa bagyong Ramil ay makararanas din ng malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Bicol Region, Calabarzon at mga probisya ng Marinduque, Mindoro, Romblon at nalalabing bahagi ng Palawan. May mga pag-ulan din sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao,Caraga at Central Luzon.
Makararanas din ng thunderstorms sa nalalabing bahagi ng Mindanao habang ang nalalabing bahagi naman ng Luzon ay epektado ng Amihan.
Mapanganib naman na pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Northern Luzon at Eastern Seaboards ng Central at Southern Luzon dahil sa taas ng mga pag-alon na aabot sa 4.5 meters.
Tags: bagyong Ramil, Capiz, PAGASA
METRO MANILA – Inianunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mararanasan ngayong araw ang summer Solstice.
Ito ay isang uri ng astronomical event kung saan mararanasan ang pinakamahabang araw at pinaka-maiksing gabi.
Gayunman magkakaiba ang duration ng daylight sa iba’t ibang lugar buong mundo.
Gaya sa Metro Manila, ayon sa PAGASA nagsimulang sumikat ang araw kaninang 5:28am at lulubog ng 6:27pm.
Nangangahulugan ito na tatagal ng 13 oras ang daylight o ang liwanag ng araw.
METRO MANILA – Inianunsyo na ng PAGASA ang pormal na pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa bansa.
Ayon sa PAGASA, bunsod ng mga naranasang kalat-kalat na mga pag-ulan sa mga nakalipas na araw, dagdag pa ang pagpasok ng bagyong Aghon at pag-iral ng habagat partikular na sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas ay palatandaan na ito ng opisyal na pagpasok ng panahon ng tag-ulan.
Gayunman, asahan pa rin anila na may mga araw na hindi magkaroon ng mga pag-ulan o ang tinatawag na monsoon breaks.
METRO MANILA – Inihayag ng State Weather Bureau PAGASA na nasa transition period na ang bansa sa tag-ulan o rainy season.
Dahil dito, inaasahan na sa darating na mga araw na mas magiging madalas na ang mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Climate Monitoring and Prediction Section Chief ng PAGASA na si Ana Liza Solis, posibleng sa 3rd quarter ng taon papasok ang La Niña kasabay ng kasagsagan ng hanging habagat o southwest monsoon.
Kaya posibleng mararanasan ang malalakas na mga pag-ulan hanggang Disyembre.