Inilabas ng kompanyang Huale ang shower head na “I-Switch” na ayon sa kompanya ay makatutulong sa pagtitipid ng tubig.
Ayon sa Huale, aabot sa 50 percent ang matitipid na tubig kung nasa “Mist mode” ang naturang shower head dahil sa binabawasan sa naturang mode ang dami ng tubig na inilalabas ng I-switch.
May motion sensing technology rin ang I-switch kaya’t makokontrol ng user sa pamamagitan lang ng pagwasiwas ng kaniyang kamay ang modes ng shower head kabilang ang rain mode, mist mode at bubble mode.
May LED lights rin na nakakabit sa shower head na nagi-indicate ng temperatura ng tubig: asul para sa malamig, berde para sa katamtamang init, at pula para sa mainit na temperatura.
Kasalukuyang kumakalap ang kompanya ng pondo sa Kickstarter upang maging available sa mas marami ang naturang shower head.
Tags: Kickstarter, Shower head na makatutulong sa pagtitipid ng tubig