Short-term funding, inaasahang maipapasa ngayong Lunes upang makabalik sa operasyon ang US government

by Radyo La Verdad | January 22, 2018 (Monday) | 1173

Dahil hindi naipasa ng US Congress ang 2018 budget noong Biyernes ay nag-shutdown ng government services ang Amerika noong Sabado ng hatinggabi.

Medyo ikinadismaya ni US President Donald Trump ang nangyari dahil noong Sabado ay one-year anniversary ng inauguration ni Trump bilang Pangulo ng bansa.

Kaya naman hindi nagkasundo ang mga republicans at democrats noong Biyernes ay dahil gusto ng democrats na paglaanan ng pondo ang mga proteksyon para sa mga dreamers o mga immigrants sa ilalim ng DACA, na halatang ayaw ng Trump administration.

Ala-una ng umaga, araw ng Lunes sa Amerika ay inaasahang isang short term funding ang maipapasa ng Senado upang muling maibalik sa normal ang operasyon ng pamahalaan.

Kung hindi parin magkakasundo ang mga lawmakers sa 2018 budget, ilan sa maaapektuhan ay ang mga non-essential employees at services, na pansamantalang mahihinto ang sweldo.

Sa kabila nang kontrolado ng Republican Party ang Kongreso, Senado at White House, malaking challenge pa rin ang muling maipagpauloy ang government services dahil sa United Opposition ng Democrats sa Kongreso.

Huling nagkaroon ng government shutdown noong 2013 kung saan halos 800,000 na government employees ang nahinto ang sweldo ng halos labingwalong araw.

 

( James Bontuyan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,