Shipment ng basura galing Australia, ipinababalik na rin ng Philippine government – DFA

by Erika Endraca | June 11, 2019 (Tuesday) | 15190

MANILA, Philippines – Plano ng pamahalaan ng Pilipinas na ipabalik sa Australia ang pitong  40-foot container na naglalaman ng municipal waste na natagpuan sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Mayo 7.

Tinawag ng consignee na “Processed Engineered Fuel” (PEF) ang mga kargamento na gagamitin umano sa paggawa ng semento pero hindi ito sinangayunan ng mga otoridad.

Ayon sa kalihim, dapat ay pormal na lamang na nag- import ng ingredients ang cement makers. Samantala nito lamang Mayo ay ipinadala pabalik sa Canada ang 69 containers ng basura.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,