Shelter assistance para sa mga apektado ng Bagyong Ferdie sa Batanes, pinamamadali ni VP Robredo

by Radyo La Verdad | September 20, 2016 (Tuesday) | 1130

nel_vp-robredo
Bumisita si Vice President Leni Robredo kahapon sa Batanes upang makita ang lawak ng naging pinsala ng Bagyong Ferdie.

Ayon kay VP Leni, ang itbayat island ang pinaka-matinding napinsala ng bagyo.

Base sa datos, may 510 totally damaged, 400 ang matinding napinsala at 1,545 ang bahagyang nasira na bahay sa Batanes.

Nais ng pangalawang pangulo na mapabilis ang proseso ng pagbibigay ng tulong sa pagtatayo ng tahanan sa probinsya.

Kailangan rin aniya na mapabilis ang pagdadala ng mga kinakailangang materyales at relief goods sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

Kagabi ay nagpatawag na si VP Robredo ng emergency meeting sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para sa shelter assistance bilang siya ang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,