Shelter aid sa Misamis Oriental, ipinagkaloob ng Rotary Club sa mga nasalanta ng Bagyong Odette

by Radyo La Verdad | February 16, 2022 (Wednesday) | 375

CAGAYAN DE ORO CITY – Makakatanggap ng shelter aid sa Barangay Bobontungan, Jasaan, Misamis Oriental ang 11 pamilya na naapektuhan ng bagyong Odette mula sa Rotary Club sa ilalim ng District 3870.

Pinasimulan ito ng Rotary Club Zone 1 Council of Presidents at ilang RC chapters, sa ngayon umabot sa P300,000 ang nakalaan sa raw materials para sa itatayong shelter aids.

Ayon kay RC West District President Clifford Jose Roa, nagkakahalaga ng P25,000 ang bawat bahay, at 5 bahay na ang malapit matapos, 6 naman ang nanatiling under construction.

Samantala, ayon kay Mayor Redentor Jadin, magkakaroon naman ng mega dike project ang probinsya na may halagang P600-M para sa anti-flooding infrastructure ng pamahalaang lokal at panlalawigan ng Misamis Oriental.

Hinihintay na lamang sa ngayon na aprubahan ngayong taon ng Pamahalaang Panlalawigan ang naturang proyekto.

(Myrveiña Natividad | La Verdad Correspondent)