Nais ng ilang mga Senador na agad na maipasa itong Sexual Orientation, Gender Identity and Expression Bill kasunod narin ito ng nangyaring diskriminasyon sa isang transgender woman na si Gretchen Custodio Diez kung saan pinagbawalan siyang gumamit ng restroom ng mga babae sa Cubao noong August 13, 2019.
Ang Senate Bill number 159 at 412 na dinidinig ngayon ay akda nina Senators Riza Hontiveros at Imee Marcos.
Dito mahigpit nang ipagbabawal ang diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBT community sa military service, school admission, at paggamit ng mga pampublikong establisimiyento.
Hindi rin sila dapat pagbawalang mabigyan ng lahat ng lisensyang galing sa pamahalaan maliban na sa marriage license.
Mahigpit ring ipinagbabawal dito ang verbal at physical harassment.
Lahat ng mapapatunayang gumawa ng anumang diskriminasyon sa LGBT comunity ay maaaring pagmultahin ng 100-libo hanggang 500-libong piso at 6 na taong pagkakabilanggo.
Kapag naisabatas ang kasalukuyang women and children’s desk ng PNP ay at papalitan na ang women, children and LGBTQ+++ protection desk.
Nanawagan sina Senators Hontiveros at Marcos sa kapwa nila senador na suportahan ang panukalang batas upang agarang ipasa.
Sa Kamara isinusulong rin ng Gabriela Party List at ni Bataan Rep. Geraldine Roman ang kaparehong panukalang batas.
(Grace Casin | UNTV News)
Tags: Imee Marcos, LGBTQ, Riza Hontiveros, SOGIE Bill