Kinondena ng Commission on Human Rights ang anila’y nakakainsulto at sexist remarks ni Pangulong Rodrigo Duterte nang makipagpulong ito sa mga negosyanteng Indiano. Partikular na tinutukoy ng CHR ang pahayag ng Pangulo kaugnay sa paggamit ng mga virgins upang i-promote ang turismo sa Pilipinas.
Ayon sa CHR, kahit sabihing biro lang ang naturang pahayag, nakakasira ito sa dignidad at paglabag sa karapatang pantao ng mga Pilipina.
Umabot sa mahigit 6.6 million ang bilang ng mga dayuhang turista na bumisita sa bansa noong nakaraang taon.
Ayon sa Department of Tourism, mas mataas ng 11% ang 2017 foreign tourist arrival kung ikukumpara noong 2016 at itinuturing rin itong all time high.
South Koreans pa rin ang nangunguna sa listahan, kasunod ang mga Chinese Nationals, Amerikano, Hapon at Australyano.
Mahigit sa 37 libong suspected human trafficking victims naman ang napigilang makaalis ng bansa ng Bureau of Immigration noong nakaraang taon.
Karamihan sa kanila ay naharang sa Ninoy Aquino International Airport, habang ang iba ay sa Port of Mactan, Clark, Kalibo, Iloilo, Davao at Zamboanga.
Mayorya sa mga biktima ay patungo sanang Middle East habang ang iba ay papunta ng Europa, North America at ibang bansa sa Asya.
( Victor Cosare / UNTV Correspondent )
Tags: CHR, duterte, sexist remark