Base sa disenyo at plano mula sa provincial government ng Palawan, ang itatayong sewage and solid waste treatment plant ng El Nido ay ikokonekta sa main pipeline lahat ng septic tank ng residential at business establishment sa lugar para kunin ang kanilang mga wastewater.
Didiretso naman ito sa labintatlong mga cluster collector tank na ilalagay sa iba’t-ibang lugar sa bayan at ito ay pagaganahin sa pamamagitan ng solar power.
Mula cluster tank ay didiretso ang mga waste water sa treatment plant, maraming prosesong pagdadaanan ang mga maruruming tubig para matiyak na muli itong mapakinabangan ng mga residente.
Ayon kay Mayor Nieves Rosento, 2017 pa ng simulan ng lokal na pamahalaan ng El Nido ang pagpapagawa ng kanilang sariling sewage and solid waste treatment plant. 240 milyong piso ang pondong inilaan sa proyekto na target na matapos sa 2019.
Pero duda si Cottages, Resorts and Restaurants Association of El Nido President Henri Fernandez na matatapos ito sa takdang petsa. Marami aniyang bahagi ng konstruksyon ang hanggang ngayon ay hindi pa halos nangangalahati.
Sa Barangay Buena Suerte, nahinto rin ang konstruksyon ng isa pang cluster collector tank dahil tumagilid ito habang ginagawa.
Pinuntahan ng UNTV News ang lugar kung saan itatayo ang sewage and solid waste treatment plant ng El Nido na halos limang kilometro ang layo sa mismong bayan. Kahit isang poste para sa mismong treatment plant ay wala pang naitatayo. Hindi pa rin napapatag ang lupa ng paglalagyan ng planta.
Ang mga pipeline ay nakatambak pa rin at hindi pa kumpletong naikakabit. Wala ring mga equipment gaya ng dump truck at backhoe para sa konstruskyon.
Base sa source ng UNTV, magtatatlong buwan nang nahinto ang kunstruksyon dito.
Aminado si El Nido Municipal Mayor Nieves Rosento na mabagal ang nagiging takbo ng konstrusyon ng kanilang treatment plant. Maging ang kanilang engenireeng office, duda rin na matatapos ito sa loob ng amin na buwan.
Kaya naman sa Lunes ay pagpapaliwanagin niya ang contractor. Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang contructor kung bakit nakatengga ang konstruskyon ng treatment plant.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )
Tags: El Nido, sewage and solid waste treatment plant, Stakeholders