Severe at critical COVID-19 cases, tumaas – DOH

by Radyo La Verdad | August 24, 2022 (Wednesday) | 11498

METRO MANILA – Tumaas ang bilang ng severe at critical COVID-19 cases nitong mga nagdaang Linggo.

Ito ang kinumpirma ni Department of Health (DOH) Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, matapos lumabas sa ulat ng kagawaran na umabot sa 811 ang bilang ng severe at critical COVID-19 cases na naka-admit sa mga ospital mula August 15 hanggang 21.

Ito ay 9.7% ng total COVID-19 admission. At sa 23,883 na mga bagong kasong naitala sa loob ng nasabing linggo 101 ang na-tag bilang severe at critical.

Sa kabila ng pagtaas ng mga nagkakaroon ng malalang kaso, ayon kay Vergeire pasok pa rin ito sa 10% na academic threshold. 60% rin aniya sa mga naka-admit na severe at critical ay hindi bakunado.

Dahil dito muling nanawagan si Vergeire sa publiko na magpabakuna at magpa-booster na upang maiwasan ang malalang pagkakasakit dahil sa COVID-19.

Tags: ,