Sereno, pamumunuan ang isang genuine people’s movement laban sa Duterte administration

by Radyo La Verdad | June 20, 2018 (Wednesday) | 4445

Hindi umano ang quo warranto petition ang makapagpapatahimik kay dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

At para panagutin ang Duterte administration sa kanyang mga anti-people policies, pamumunuan ngayon ni Sereno ang isang genuine people’s movement na magsusulong ng karapatan ng publiko.

Kasama nito sa grupo ang iba’t-ibang sektor na kritiko ni Pangulong Duterte.

Samantala, ipinahayag ni House Majority Floor Leader Rudy Rafinas na idi-dismiss na nila ang impeachment complaint laban kay Sereno na nakahain sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Pero ang mga kongresistang miyembro ng Magnificent-7, maghahain naman ng impeachment complaint laban sa walong mahistrado ng Korte Suprema na bumoto pabor sa quo warranto petition para mapatalsik sa pwesto si Sereno.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,