Hiniling ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Korte Suprema na ipawalang-bisa ang show cause order sa kanya kaugnay ng umano’y paglabag niya sa sub judice rule dahil sa pagsasalita laban sa ilang mahistrado ng Korte Suprema kaugnay ng kanyang quo warranto case.
Sa compliance na isinumite ng kanyang abogadong si Atty. Alex Poblador, iginiit ni Sereno na ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili sa mga akusasyon ibinato na sa kanyang sa media kabilang na ang aniya’y walang basehang mga paratang ni Solicitor General Jose Calida.
Muli ring binigyang-diin ni Sereno na dapat mag-inhibit sa kanyang kaso ang anim na mahistrado ng Korte Suprema na aniya’y nagpakita ng bias at galit sa kanya hindi lamang sa kanyang quo warranto case kundi maging sa pagdinig ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Sa darating na Martes, ika-19 ng Hunyo, inaasahang pagbobotohan na ang motion for reconsideration na humihiling na baliktakrin ng korte ang desisyon nito na patalsikin siya sa pwesto.
Tags: Korte Suprema, Sereno, show cause order