Serbisyong Bayanihan, narating ang Bicol para maihatid ang kahilingang tindahan ng isang ginang

by Erika Endraca | March 3, 2022 (Thursday) | 4618

Nakapagsimula nang magtinda-tinda si nanay Evelyn Locaberte sa kaniyang bagong bukas na bigasan, dahil granted na ng MCGI Cares at ng programang Serbisyong Bayanihan (SB) ang kaniyang kahilingang maliit na puhunan sa kanilang lugar sa Catanduanes, Bicol nitong March 1.

Ayon kay nanay Evelyn, nakikipisan lamang ang kaniyang pamilya sa bahay ng kanilang lola at sa sahod sa pagmamaneho ng kaniyang mister sila kumukuha ng kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Kaya nagbakasakaling sumali si nanay sa programa para kahit nasa bahay ay makatulong sa kaniyang asawa sa pamamagitan nang pagtitinda habang nagbabantay ng kaniyang mga anak

Ngayong naihatid na ang kahilingan ni nanay Evelyn mababawasan na ang kaniyang alalahanin, dahil ayon sa kaniya, malaking tulong na para sa kanilang pamilya ang mga bagay na tinanggap mula sa programa.

“Maraming-maraming salamat po sa MCGI Cares at sa buong team po ng Serbisyong Bayanihan, dahil sa dami po ng nagco-comment duon po sa dami po ng sumasali isa po ako sa mapalad na napili at nabigyan po ng negosyo para makadagdag po sa pang araw-araw naming gastusin.
Salamat po sa Dios.” ani nanay Evelyn Locaberte.

(Marc Aubrey Gaad| La Verdad Correspondent)

Tags: