Septage Treatment Plant, itatayo sa Cebu para sa mas maayos na supply ng tubig sa ilang lugar sa lalawigan

by Radyo La Verdad | December 29, 2015 (Tuesday) | 1805

GLADYS_Septage
Magkakaroon ng panibagong proyekto ang Metroplitan Cebu Water District na inaasahang makatutulong upang mas maging maayos ang supply ng tubig at ang waste water management sa ilang bahagi ng Cebu.

Ang proyektong ito ay ang Septage Treatment Plant na itatayo sa lunsod ng Cordova.

Inaasahang matatapos ang pagtatayo ng proyekto sa Marso ng susunod na taon.

Kung mauumpisahan na ang paggamit ng Septage Treatment Plant, maaari nang maka-avail ng deslugding services ang mga consumer mula sa Lapu-Lapu at Cordova City sa halagang P3,000 sa loob ng limang taon o P50 lamang buwan-buwan.

Ang proyektong ito ay maaari ring makagawa ng class c na tubig na maaaring magamit sa pagdilig ng halaman at panlinis ng mga sasakyan.

Tiniyak naman ng MCWD na magkakaroon ng maayos na treatment and disposal of desludged septage upang hindi makasira sa lahat ng water resources at dagat.

Katuwang ng MCWD ang Envirokonsult Services, Inc. Sa proyektong Septage Treatment Plant.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,