Napanatili ng Bagyong Samuel ang taglay nitong lakas habang papalapit sa bansa. Namataan ito ng PAGASA sa layong 395 km east of Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay ni Samuel ang lakas ng hangin na 55km/h at pagbugso na aabot sa 65km/h. Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 20km/h.
Nakataas ngayon ang tropical cyclone warning signal #1 sa:
Luzon:
Masbate
Ticao Island
Romblon
Southern Oriental Mindoro
Southern Occidental Mindoro
Northern Palawan
Cuyo Island
Calamian Group of Islands
Visayas:
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Biliran, Leyte
Southern, Leyte
Bohol
Cebu
Siquijor
Negros Oriental
Negros Occidental
Guimaras
Iloilo
Capiz
Aklan
Antique
Mindanao:
Dinagat Islands
Surigao del Norte
Surigao del Sur
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Misamis Oriental
Camiguin
Makakaranas sa mga nasabing lugar ng pag-ulan at pagbugso ng hangin.
Ayon sa PAGASA, posibleng tumama sa Dinagat-Samar-Leyte area ang sentro ni Samuel mamayang gabi. Makakaranas din ng nalawakang pag-ulan sa Bicol, Marinduque at Romblon.
May papulo-pulong pag-ulan din sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.