Isang malaking tagumpay na maituturing ng Department of Education ang unang taon ng implementasyon ng senior high school sa bansa.
Batay sa huling datos ng DepEd, umaabot na sa mahigit isang milyon ang mga estudyanteng nakapag-enroll na sa Grade 11.
Nasa pitong daanglibo sa mga ito ay nakarehistro sa public school.
Habang nasa mahigit tatlong daang libo naman ang pumasok sa mga pribadong eskwelahan.
Kumpiyansa si DepEd outgoing Secretary Armin Luistro na madadagdagan pa ang bilang na ito, lalo’t nasa 1,600 na mga eskwelahan pa ang hindi pa rin nakapagsusumite ng listahan ng kanilang mga enrollee.
Ang Senior High School ay bahagi ng K to 12 program na binubuo ng Grade 11 at Grade 12.
Kabilang rin sa mga ipinagmalaki ng kalihim ang sapat na bilang ng mga classroom na inihanda ng bawat eskwelahan bago pa man ang pagpasok ng Grade 11.
Tiwala ang kagawaran na magtutuloy ang tagumpay ng K to 12 program sa pamamagitan ng patutulungan ng magulang at magaaral, kasama ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at maging pribadong sektor.
(Jun Soriao / UNTV Correspondent)