Senatorial line-up ng administrasyon, nakatakdang ianunsyo bukas

by Radyo La Verdad | October 8, 2015 (Thursday) | 2809

LP-LINE-UP
Matapos ihayag noong lunes ang Vice Presidential Candidate ng administrasyon sa katauhan ni Camarines Sur Representative Leni Robredo ihahayag naman bukas ang Senatorial Line-up ng Partido Liberal.

“Daang matuwid koalisyon” ang bansag ng Malakanyang sa Senatorial Slate ng Administrasyon na isasabak sa halalan sa susunod na taon.

Inaasahan na kumpleto na ang labindalawang senatoriable ng Partido Liberal .

Sigurado namang makasasama sa lineup sina Senators Franklin Drilon, Ralph Recto, Teofisto Guingona the third at ang dating senador at Food Security Czar Francis Kiko Pangilinan na mga pormal nang nanomina ng partido.

Ilan sa mga dati at kasalukuyang miyembro ng gabinete ang matunog na makakabilang sa tiket ng ruling party.

Ang mga ito ay sina DOJ Secretary Leila de Lima, outgoing Tesda Director Joel Villanueva at dating Department of Energy Secretary Jerico Petilla .

Sa kasalukuyan ayon sa Malakanyang wala pang kumpirmasyon mula kay Pangulong Aquino kung tinanggap na ang pagbibitiw ng mga miyembro ng gabinete na kakandidato sa 2016 elections.

Ilan sa mga personalidad rin ang posibleng makasama sa listahan ng senatoriable ay sina Quezon City Mayor Herbert Baustista, Mujiv Hataman, para naman sa koalisyon ay sina Risa Hontiveros, Mark Villar at Lino Cayetano na parehong mula sa Nacionalista Party, Mark Lapid at Manny Pacquiao na kilalang mula sa United Nationalist Alliance. ( Nel Maribojoc / UNTV News)

Tags: