Senator Ted Cruz, wagi sa US Presidential caucus sa Iowa

by Radyo La Verdad | February 3, 2016 (Wednesday) | 1096

TED-CRUZ
Panalo sa IOWA caucus si Texas Senator Ted Cruz na may 28% ng kabuuang caucus vote sa Iowa

Nakakuha ng higit 46,000 votes ang surprise winner na si Cruz o 28 percent ng mga Republicans na sumali sa caucus.

Ang dating frontrunner na si Donald Trump ay pumapangalawa lamang na nakakuha ng higit 40,000 votes o katumbas ng 24 percent.

Samantala idineklara naman na too close to call ang democratic race sa pagitan nila former state Secretary Hillary Clinton at Vermont Senator Bernie Sanders na parehong nakakuha ng 50% ng boto.

Kasunod ng caucus sa Iowa, inanunsyo ni dating Arkansas Gov. Mike Huckabee ang pag-atras sa presidential race ng Republican.

Ang susunod na primaries ay gaganapin sa Feb 9, sa estado ng New Hampshire, at susundang sa Feb 20 at 23 sa mga estado ng Nevada at South Carolina.

(James Bontuyan/UNTV News)

Tags: ,