Senator Sonny Angara, pinasalamatan ang FIBA matapos mapili ang Pilipinas na maghost sa qualifying tournament sa World Olympics

by Radyo La Verdad | January 21, 2016 (Thursday) | 1718

MERYLL_ANGARA
Nagpaabot ng pasasalamat si Senator Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Games, Amusement and Sports sa International Basketball Federation o FIBA matapos mapili ang Pilipinas na maging isa sa magho-host sa World Olympic Qualifying Tournament.

Ayon kay Angara, sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng home court advantage ang Gilas Pilipinas sa huli nitong laban upang mapabilang sa mga koponang makapapasok sa 2016 Rio Olympics.

Nagpaabot din si Angara ng pagbati sa Samahang Basketbol ng Pilipinas, na pinangungunagan ni Manny V. Pangilinan.

Panawagan ng senador sa mga kababayang tagahanga ng basketball na suportahan ang Philippine team at ipagdasal na makapasok ang bansa sa matagal ng inaasam-asam na Olympic basketball tournament.

Aniya,buo ang kaniyang tiwala na muling magpapakita ng lakas at galing na may puso ang ang Gilas Pilipinas.

Ang qualifying tournament ay nakatakda sa July 4 hanggang 10 kung saan kasama ng Pilipinas ang Italy at Serbia na magiging punong abala sa turnamento.

(Meryll Lopez / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,