Senator Sanders, patuloy sa pangangampanya sa California Primaries sa June 7

by Radyo La Verdad | May 31, 2016 (Tuesday) | 1081
Democratic Senator Bernie Sanders(REUTERS)
Democratic Senator Bernie Sanders(REUTERS)

Hindi parin natitinag si Democratic Senator Bernie Sanders sa pangangampanya para sa nominasyon bilang Democratic Presidential Candidate, sa kabila ng mathematically impossible na para dito na malagpasan ang bilang ng delegadong nakuha ni Secretary Clinton.

Bagamat ginugunita ang memorial day dito sa US, ay nakakakuha pa rin ng malaking bilang ng mga supporter ang senador sa kanyang mga rally sa California tinutukan ni Sanders ang mga farm owners at workers sa buong estado at ipinangakong kung magwawagi ay tutulungan nito ang nasa 11 million illegal immigrant na marami ay nagtatrabaho bilang farm workers sa America.

Ang California ay magdadaos ng Presidential Primary sa June 7, at timaguriang pinakamahalagang estado ngayong election para sa mga democrats dahil sa malaking bilang ng mga delegadong meron dito.

Samantala, muling ipinangako ni Sanders sa hindi ito bibitiw sa kampanya at dadalhin ang laban hanggang sa Democratic National Convention sa Hulyo.

Tags: , ,