Senator Drilon, hinihingi ang kooperasyon ng MILF sa pagkamit ng hustisya sa Mamasapano clash

by Radyo La Verdad | April 24, 2015 (Friday) | 986

sen.drilon
Hinihikayat ni Senate President Franklin Drilon ang ng Moro Islamic Liberation Front na sa halip na kwestyunin ang Department of Justice ay makipagtulungan na lang ang mga ito sa ahensya upang mapabilis ang hinihinging hustisya ng mga pamilya ng anim na pu’t pitong (67) biktima ng Mamasapano incident kabilang na ang 44 SAF commandos na nasawi.

Aniya, napakahalaga ng ipapakitang suporta ng MILF sa DOJ dahil ito ay malaking hakbang para ipakita ng rebeldeng grupo na nagpapasakop ito sa democratic process ng bansa.

Ayon pa sa senador, mabuting pagkakataon rin ito sa MILF bilang katuwang sa peace process, na maipakita sa mga Pilipino ang kanilang katapatan sa kapayapaan at hustisya.

Dagdag pa ng Senador, dapat lang na sundin ng grupo ang prosesong naaayon sa ating batas at konstitusyon. (Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)