Kinukonsidera na ni Senator Bongbong Marcos ang posibleng pagtakbo nito bilang pangulo sa darating na national election.
Ayon sa senador, pinag-aaralan pa nito ang pagtakbo bilang pangulo subalit sa ngayon ay nais muna niyang muling kumandidato bilang senador.
Batay sa pinakahuling Pulse Asia Presidential Survey, nasa ika-anim na puwesto sa pagkapangulo si Marcos habang nangunguna pa rin si Binay sa kabila ng kaliwa’t kanang alegasyon ng korapsyon na ipinupukol sa kanya. Pumapangalawa sa survey si Sen. Grace Poe habang nasa ikatlong puwesto naman sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Manila Mayor Joseph Estrada, at Sen. Miriam Defensor-Santiago. (UNTV-Radio News)