Senator Bam Aquino, labis na nababahala sa mataas na unemployment rate ng mga kabataan

by Radyo La Verdad | April 21, 2015 (Tuesday) | 1136

bam-aquino Nananawagan si Senator Bam Aquino, chairperson ng Youth committee sa mga concerned agency ng pamahalaan na gumawa ng employment opportunities sa mga kabataan. Ito ay ayon sa isinumite niyang senate resolution 1268.

Sa ngayon, pumalo na sa 1.3 million ang mga kabataan na walang hanapbuhay ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) at ng National Statistics Office (NSO).

Umaasa si Senator Bam na tutugunan at magtutulong-tulong ang mga ahensya tulad ng Department of Labor, Department of Education, Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority at ng National Economic Development Authority hinggil sa problemang ito.(Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)