Senator Allan Peter Cayetano, nagbigay ng moratorium sa “no plate,no travel” ng LTO

by Radyo La Verdad | April 21, 2015 (Tuesday) | 1171

UNTVweb__UNTVnews__Image__080112__Alan-Cayetano
Muling iginiit ni Majority leader Senator Allan Peter Cayetano ang 30 day Moratorium sa “no plate,no travel” policy ng Land transportation Office.

Ayon sa senador, kung hindi ito didinggin ng LTO ay haharangin niya ang 2016 budget ng naturang ahensya.

Ayon pa rin sa kanyang pahayag, wala namang mawawala sa LTO at sa gobyerno kung ito ay ititigil muna sa loob ng tatlumpung araw habang hinihintay pa ang suplay ng plaka at nirerepaso pa ang sistema sa pagrerehistro.

Dagdag pa ng senador na unfair para sa mga car owners ang polisiyang ito dahil sa sobrang taas na pataw ng LTO sa sinomang mahuhuling di pa rehistrado. Aniya, makikinabang rin ang LTO sa moratorium na ito upang maisakaso muna nila ang backlogs ng ibang vehicle owners at car dealers.

Naghain na rin si Cayetano ng Senate Resolution 1288 upang imbestigahan ang isyu ng delayed plates at drivers licenses.(Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)